CAMP CRAME – HANDA na ang tracker team ng Philippine National Police (PNP) na dakpin si dating Senator Antonio Trillanes IV alyas Bikoy na may totoong pangalan na Peter Jomel Advincula at siyam na iba pa dahil sa kasong sedition.
Ito ay matapos na maglabas ang Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ng warrant of arrest dahil sa kasong sedition laban kina Trillanes, Bikoy at 9 pang personalidad.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac may tracker teams na ang PNP na mula sa Quezon City Police District at PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ni Banac sa ngayon hinihintay na lang nila ang kopya ng warrant of arrest para arestuhin ang mga inisyuhan nito.
Sa kaso naman ni Trillanes na ngayon ay nasa ibang bansa sinabi ni Banac na hihintayin nila ito at aabangan sa airport.
Subalit kapag lumampas na ng 30 araw na hindi pa nakababalik ang dating senador ay makikipag-ugnayan na ang PNP sa International Police para maaresto na ito. REA SARMIENTO