PITONG araw na palugit ang ibinigay ng Pasay City Prosecutor’s Office sa kampo ni Senador Antonio Trillanes IV para magsumite ng tugon sa kasong sedition na kinakaharap nito.
Nabigo si Trillanes na humarap sa pagdinig na itinakda kahapon matapos magpalabas ng subpoena ang Pasay City Prosecutor’s Office.
Bandang ala-1:30 ng hapon nang dumating si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersec-retary Jacinto Paras kasama ang abogadong si Atty. Manuelito Luna.
Binigyan ng hanggang Oktubre 25 ang kampo ni Trillanes na maghain ng sagot sa kasong kinakaharap.
Si Luna na itinalagang commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naghain ng reklamo laban kay Trillanes kaugnay sa binitiwan nitong pahayag matapos bawiin ang amnestiya nito.
Ito ang ikalawang kasong sedition na inihain laban sa senador sa Pasay Prosecutor’s office.
Comments are closed.