BINUWELTAHAN ni Senador Christopher Bong Go si dating Senador Antonio Trillanes IV makaraang magbantang babalikan sila kapag natapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Dahil dito, hinamon ni Go si Trillanes na magkita sila sa Senado dahil hanggang 2025 pa ang termino nito bilang senador.
Iginiit pa ni Go, hindi siya magtatago at haharapin ang hamon ni Trillanes kung saan sinabi pa nito na puro yabang lamang ito.
Sinabi ng senador, ang tunay na Bikoy ay walang iba kundi si Trillanes dahil walang pera si Bikoy para ipakalat ang professional video para sirain siya sa publiko na aniya’y napakarumi ng pamamaraan nito.
Gayundin, aminado si Go na natatakot siya na makagat ni Trillanes kaya sa pagbaba ng Pangulong Duterte agad sila magpapa-inject ng anti-rabies dahil sa mistulan na umano itong asong ulol. VICKY CERVALES
Comments are closed.