PINAGBIGYAN ng Makati RTC Branch 150 ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Sen. Antonio Trillanes IV. .
Ang warrant of arrest na nilagdaan ni Makati RTC Branch 150 Elmo Alameda ay may kaakibat na piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng senador..
Isinilbi ang warrant of arrest ni NCRPO chief Guillermo Eleazar dakong alas-3 ng hapon kung saan lumabas ang senador sa parking lot ng Senado at sumama sa mga pulis ,at mula roon ay dinala siya sa Makati Police Headquarters para sa booking procedure, mug shot, medical exam at pagkaraan ay dinala naman ang senador sa Makati RTC para sa paglalagak ng kaukulang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. BENJARDIE REYES
Comments are closed.