LAST October 5, sa edad na 79 years old, yumao si Ms. Amalia Fuentes. Dahil sa angking ganda ni Amalia o Tita Nena ay tinawag siyang “the most beautiful actress in Philippine Cinema” at “Elizabeth Taylor of The Philippines” dahil sa pagkakahawig sa sikat na international actress. At si Tita Nena rin ang kauna-unahang Pinoy na naging model ng isang brand ng sabon.
Four years nang bedridden si Tita Nena pagkatapos nitong ma-stroke habang nagbabakasyon sa Thailand noong 2015.
Ayon sa pamangkin ni Tita Nena na si Niño Muhlach, multiple organ failure ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Ayon pa sa Muhlach family, magkakaroon ng reunion sa langit si Tita Nena dahil muli silang magkikita ng kanyang anak na si Liezl Sumilang-Martinez na yumao noong 2015 dahil sa breast cancer, at ex-husband niyang si Romeo Vasquez na yumao noong 2017 dahil sa stroke; at sa pangalawang husband niyang si Joey Stevens na yumao noong 2012. Mayroon silang adopted son na si Geric Stevens.
Ipinanganak si Tita Nena sa Naga, Camarines Sur on August 27, 1940, nadiskober siya pagkatapos manalo sa contest ng Sampaguita Picture na Mr. And Ms. Number One noong 1950s.
Una siyang itinambal kay Juancho Gutierrez dahil sila ang nanalo ng Mr. and Ms. Number One and the rest is history.
Pinasok din ni Tita Nena ang pagiging film producer, scriptwriter at director sa ilalim ng kanyang sariling AM Productions.
Nanalo siyang FAMAS Best Actress para sa pelikulang “Ibulong Mo Sa Langit” at nanalo rin siyang best actress sa Manila Film Festival sa pelikulang “Pag-ibig Mo, Buhay Ko.”
Ang “Reputasyon” noong 1997, huling pelikula ginawa ni Tita Nena at ang huling nilabasan niyang TV series ay “Huwag Ka Lang Mawawala” year 2013.
Na-feature ang life story ni Tita Nena sa drama anthology na “Magpakailanman” year 2004 na ginampanan ni Nadine Samonte bilang Amalia Fuentes.
DENNIS PADILLA NAG-OBER DA BAKOD NA SA KAPUSO
SUMUNOD na rin si Dennis Padilla na Kapamilya na lumundag sa Kapuso network at kaagad naman siyang isinama sa upcoming Kapuso series na “Magkaagaw.”
Sa interview kay Dennis ng press ay hindi siya nakaligtas sa tanong kung ano ang hanap niya sa magiging manliligaw ng kanyang mga anak.
“Gusto ko responsible. Pero hindi ko naman sinasabi na ang mapangasawa nila kailangang mayaman. “Kahit hindi mayaman basta nababayaran mo ‘yung allowances sa pang-araw-araw na bahay, tuition ng mga bata, may pasyal kayo once a week, masaya ang buhay niyo. Okey na ‘yun. Ngayon kung may luxury nang konti, aba plus factor na `yon,” say ni Dennis.
Ayaw na ayaw raw niya sa lalaking gugutumin lang ang kanyang anak matapos na makuha ang puso nito.
“Ay hindi puwede ‘yun. Pinaghirapan mo na nga ang puso niya, ano kaya ‘yung paghirapan mo ‘yung pera para i-provide sa inyo, ‘di ba?” katuwiran ni Dennis.
CLAUDIA BARRETTO NAKIKIPAGLABAN SA MENTAL HEALTH PROBLEM
SI Claudia Barretto ay second daughter ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto at nakatatandang kapatid ni Julia Barretto ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang mental health problem.
Nag-launch si Claudia ng isang online mental health awareness campaign called Mind Games para magkaroon ng awareness sa pinagdaraanan ngayon ng maraming kabataan.
Ang advocacy na ito ni Claudia, “aims to create a community and promote through art by means of music.”
Gusto rin ni Claudia na maka-create ng community of artists, “who pursues the same objectives and would also like to reach out to those who are undergoing mental health battles.”
Para mas lalo pa raw niyang maintindihan ang pinagdaraanan ng mga may mental health problem ay nag-shift siya ng kurso from management to psychology.
Comments are closed.