TRO SA PLEBISITO SA BOL BINIGO NG SC

bangsamoro

TULOY  ang  plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na isasagawa sa ARMM, Cotabato City at Isabela City.

Ito ay nang bigong   makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema ang mga tumututol sa pagpapatupad ng Republic Act number 11054 o ang Bangsamoro Organic Law.

Sa regular en banc session ng Supreme Court ay napagpasyahan na pagsumitehin muna ng komento ang Malakanyang at Kongreso kaugnay ng petisyong inihain ni Sulu Governor Abdusakur Tan at ng grupong PhilConSa.

Pag-iisahin na rin ang dalawang petisyon kung saan unang na-raffle kay Justice Marvic Leonen ang unang petisyon na isinampa ni Gov. Tan.

Sa Pebrero 6 naman ay  plebisito para sa Lanao del Norte, North Cotabato, kasama ang ilang barangay na naghain ng kanilang petisyon para mapabilang sa Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao na una nang pinagbigyan ng Commission on Elections.

Comments are closed.