SAMA-SAMANG naghain ng petisyon ang iba’t ibang samahan ng UV Express drivers at operators, kasama ang Stop and Go Coalition at Defend Job Philippines, sa Quezon City Regional Trial Court upang maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng point to point scheme.
Personal na dumulog si Defend Job Coalition spokesperson Christian Lloyd Magsoy sa QCRTC para tutulan ang P2P scheme na inirereklamo ng mga driver at operator, at maging ng mga mananakay.
Umapela pa si Magsoy sa LTFRB na unahing isipin ang interes at kapakanan ng mga pasahero na maaapektuhan ng naturang scheme bago maglabas ng mga polisiya.
“The LTFRB memorandum will largely affect workers who compromise almost 70 percent of UV express commuters on a daily basis. Implementing a poin to point policy for UV express will mean longer travel time and additional transportation fare for Filipino workers who rely on the UV transport services for the longest time now,” pahayag ni Magsoy.
Sinabi naman ni Stop and Go Coalition president Jun Magno na ang naturang memorandum ng LTFRB na nag-aatas sa mga UV express service vehicle na mag-operate ng point to point basis ay sinuspinde ng LTFRB sa loob ng dalawang linggo simula nitong June 1 bunsod ng pagsasagawa ng public consultation.
“We call on our courts to heed our appeal to stop the implementation of the UV express P2P scheme of the LTFRB. This policy is an addition to the numbers of anti-transport and anti-commuters’ policies of the LTFRB,” wika pa ni Magno. BENEDICT ABAYGAR, JR.