‘TROPA’, BEERMEN NAKAUNA

Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – San Miguel vs Meralco
6 p.m. – TNT vs Magnolia

SINANDIGAN ni Mikey Williams ang TNT Tropang Giga sa 108-96 panalo kontra Magnolia Hotshots sa Game 1 ng kanilang best-of-seven PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang reigning scoring champion ay nagbuhos ng 18 sa kanyang game-high 26 points sa first half, kabilang ang 12 sa second period na nagpalobo sa kalamangan ng Tropang Giga sa hanggang 47-30 bago naitala ang wire-to-wire win sa opener.

Sa kabila ng one-sided na panalo ay walang balak si TNT coach Chot Reyes na magkampante dahil batid niyang siguradong babawi ang Magnolia sa Game 2 sa Biyernes.

“We’re pretty sure they’re going to come up with something different the next time and it’s upon us to be ready for it and to prepare ourselves for it,” sabi ni Reyes. “This is just one win and we’re preparing for a long series.”

Tumapos din si Williams na may 5 rebounds, at 4 assists at nakakuha ng sapat na suporta mula kina Roger Pogoy na kumana ng 23 points at 5 assists, at Glenn Khobuntin na kumubra ng 18 points at 7 rebounds mula sa bench.

Umiskor si Jayson Castro ng 12 points, kabilang ang bucket na nagpalobo sa kanilang kalamangan sa 84-60, sa huling bahagi ng third canto.

Nanguna si Calvin Abueva para sa Magnolia na may 18 points at 8 boards at nagdagdag sina fellow frontliners Ian Sangalang at Aris Dionisio ng tig-14 points.

Sa ikalawang laro ay tinambakan ng San Miguel ang Meralco, 121-97.

Nanguna si CJ Perez na may all-around numbers na 25 points, 5 rebounds, 4 assists, at 4 steals sa wire-to-wire victory ng San Miguel na lumamang ng hanggang 26 points.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Unang laro:
TNT (108) – M. Williams 26, Pogoy 23, Khobuntin 18, Castro 12, Montalbo 8, Erram 6, K.Williams 4, Marcelo 4, Tungcab 3, Rosario 2, Ganuelas-Rosser 2, Alejandro 0, Cruz 0.
Magnolia (96) – Sangalang 14, Abueva 18, Jalalon 14, Dionisio 14, Laput 12, Lee 9, Barroca 7, Dela Rosa 5, Wong 2, Reavis 1, Zaldivar 0, Corpuz 0.
QS: 28-19, 54-37, 86-66, 108-96
Ikalawang laro:
San Miguel (121) – Perez 25, Brondial 20, Manuel 16, Fajardo 11, Lassiter 10, Cruz 9, Tautuaa 8, Enciso 8, Herndon 7, Pessumal 5, Ross 2.
Meralco (97) – Banchero 17, Almazan 16, Kose 12, Hodge 11, Newsome 9, Quinto 9, Pascual 9, Black 8, Caram 4, Maliksi 2, Belo 0, Pasaol 0, Baclao 0.
QS: 33-17, 60-41, 85-64, 121-97.