Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Meralco vs Ginebra
7:30 p.m. – San Miguel vs Converge
NALUSUTAN ng TNT ang 13-point deficit upang kunin ang Game 1 laban sa NLEX, 107-102, sa pagsisimula ng kanilang PBA Governors’ Cup quarterfinals series kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagbuhos si Rondae Hollis-Jefferson ng 45 points, 10 rebounds, at 7 assists, at isinubi ng Tropang Giga ang 1-0 kalamangan sa kanilang best-of-five series.
Ito ay makaraang maging malamig ang simula ng top-seed team sa Group A at nalamangan ng Group B fourth-ranked squad, 49-36, sa second quarter.
Nagsalpak din si Calvin Oftana ng crucial shots sa end game makaraang magbanta ang NLEX sa 93-91.
Humataw si DeQuan Jones ng 38 points at 12 rebounds para sa NLEX, subalit nalimitahan si top local Robert Bolick sa 10 points lamang sa 3-of-8 shooting mula sa field.
Nakatakda ang Game 2 sa Biyernes sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.
“We knew it’s going to be a difficult series. Our defense was keyed on those two guys, DeQuan Jones and Berto Bolick,” sabi ni TNT coach Chot Reyes. “We thought if we could limit one of them, then we would have a chance of winning. It’s hard to stop both.”
Abante pa rin ang NLEX sa 80-75, nang bumanat ang TNT ng 11-0 run sa kalagitnaan ng fourth quarter, habang nagpalitan sina Hollis-Jefferson at Glenn Khobuntin sa opensa upang mabawi ang pangunguna.
Tumipa si RR Pogoy ng 13 points, hapong umiskor sina Jayson Castro at Rey Nambatac ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod. Gumawa si Calvin Oftana ng 8 points makaraang simulan ang laro sa 0-of-3, isinalpak ang 3 critical baskets sa fourth quarter.
CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (107) – Hollis-Jefferson 45, Pogoy 13, Castro 12, Nambatac 11, Williams 9, Oftana 8, Khobuntin 7, Erram 2, Aurin 0, Exciminiano 0, Heruela 0.
NLEX (102) – Jones 38, Valdez 11, Amer 11, Bolick 10, Rodger 9, Mocon 8, Miranda 7, Semerad 3, Torres 3, Policarpio 2.
Quarters: 24-29; 41-49; 73-71; 107-102.