Laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
Game 5, best-of-7 finals
5:45 p.m. – TNT vs SMB
SUMANDIG ang TNT kay Jayson Castro upang bawian ang San Miguel Beer, 100-87, at itabla ang serye sa 2-2 sa Game 4 ng PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Kailangan maging aggressive. The past two games, ang bagal ng execution namin at passive sa depensa. Naging aggressive kami tonight, at eto ang resulta,” sabi ni Castro kung saan pinutol ng Tropang Giga ang two-game run ng Beermen.
Maghaharap ang dalawang koponan sa krusyal na Game 5 sa Miyerkoles.
Naniniwala sina assistant coach Sandy Arespacochaga at Castro na ang pagbabalik ni coach Chot Reyes ay gumanap ng malaking papel, lalo na sa kanyang pag-motivate at laging pagpapaalala.
“Malaking bagay siyempre,” sabi ni Castro patungkol kay Reyes na agad umalis matapos ang laro para dumalo sa night-session practice ng Gilas.
Umiskor si Castro ng conference-high 26 points na sinamahan ng 6 rebounds, 4 assists at 3 steals, nag-ambag si RR Pogoy ng 21 markers, 3 boards at 2 dole-outs habang kumubra sina Mikey Williams at Kelly Williams ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod.
Nanguna si Best Player of the Conference June Mar Fajardo para sa Beermen na may 20 points at 19 boards habang nagtala rin ng double figures sina Simon Enciso (15), Marcio Lassiter (14), CJ Perez (13) at Moala Tautuaa (13).
Nahaharap ang Beermen sa 17-point deficit sa 76-93, may 4:27 ang nalalabi nang magpasya si coach Leo Austria na pagpahingahin si Fajardo.
Naglaro ang Tropang Giga na puno ng lakas kung saan tinapos nito ang first quarter na angat sa 18-9 pagkatapos ay pinalobo ang kalamangan sa hanggang 18 bago isinara sa 43-36 ang half. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (100) – Castro 26, Pogoy 21, M.Williams 15, K.Williams 14, Erram 8, Khobuntin 7, Montalbo 3, Rosario 2, Marcelo 2, Ganuelas-Rosser 2, Reyes 0, Alejandro 0.
San Miguel (87) – Fajardo 20, Enciso 15, Lassiter 14, Perez 13, Tautuaa 13, Cruz 6, Brondial 3, Ross 2, Manuel 1, Herndon 0, Pessumal 0.
Quarters: 18-9, 43-36, 72-63, 100-87