‘TROPA’,BEERMEN SA SEMIS

Mga laro bukas:
(FilOil EcoOil Centre)
3 p.m. – Meralco vs Ginebra
6 p.m. – NLEX vs Magnolia

KINUHA ng defending champion Talk ‘N Text at San Miguel Beer ang unang dalawang semifinals berths makaraang pataubin ang kani-kanilang katunggali sa PBA Philippine Cup semifinals kahapon sa Araneta Coliseum.

Ginapi ng Tropang Giga ang Converge, 116-92, habang tinambakan ng Beermen ang Blackwater, 123-93.

Ang SMB at TNT ay sumalang sa laro na may twice-to-beat advantage, makaraang tumapos sa una at ikalawang puwesto, ayon sa pagkakasunod, sa elimination round.

Naitala ni Mikey Williams ang 22 sa kanyang 26 points sa massive second quarter upang iposte ang 70-42 halftime advantage kontra FiberXers

Ang panalo ay ika-8 sunod na pagkakataon magmula noong 2010 na pumasok ang TNT sa semis sa isang laro lamang, ngunit iginiit ni Williams na marami pa silang dapat gawin.

“We still have a lot of work to do,” sabi ng top rookie at scoring champion noong nakaraang taon.

“We got to get back to the lab, we have the semis to look forward to. We just gotta wait for our opponent and continue to work.”

Ganap nang gumaling mula sa knee injury na nag-sideline sa kanya sa huling limang elimination round games ng TNT, si Troy Rosario ay tumipa ng 18 points at 7 boards sa kanyang pagbabalik habang nagdagdag sina Roger Pogoy ng 16 points at Jayson Castro ng 15.

Nanguna si rookie Tyrus Hill para sa FiberXers na may 18 points habang nag-ambag sina Mike Digregorio, David Murrell, Abu Trtter, Maverick Ahanmisi at Justin Arana ng tig hindi bababa sa 10 markers.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Unang laro:
TNT (116) – M.Williams 26, Rosario 18, Pogoy 16, Castro 15, K.Williams 10, Montalbo 9, Erram 7, Tungcab 5, Banal 5, Khobuntin 3, Ganuelas-Rosser 2, Marcelo 0, Alejandro 0, Cruz 0.
Converge (95) – Hill 18, DiGregorio 15, Murrell 11, Tratter 10, Ahanmisi 10, Arana 8, Racal 5, Tolomia 5, Adamos 4, Stockton 3, Ambohot 3, Ilagan 2, Bulanadi 2, Browne 0.
QS: 30-20, 70-42, 97-67, 116-95
Ikalawang laro:
San Miguel (123) – Lassiter 18, Perez 18, Cruz 17, Tautuaa 12, Manuel 12, Enciso 11, Fajardo 11, Herndon 9, Brondial 6, Pessumal 5, Zamar 4, Ross 0, Canete 0, Faundo 0.
Blackwater (93) – Ular 15, Amer 13, Ebona 12, Sena 11, Ayonayon 11, Suerte 8, Go 8, Casio 5, McCarthy 5, Publico 5, Dyke 2, Escoto 0, Ganuelas-Rosser 0.
QS: 32-13, 63-39, 94-63, 123-9