Mga laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo)
5 p.m. – San Miguel vs Ginebra
7:30 p.m. – Rain or Shine vs TNT
ISINALPAK ni Rondae Hollis-Jefferson ang go-ahead slam at ginawa ang lahat upang tulungan ang TNT na kunin ang panalo sa Game 4 kontra Rain or Shine, 81-79, at lumapit sa PBA Governors’ Cup Finals kagabi sa Araneta Coliseum.
Ang reigning Best Import ay bumanat ng one-handed dunk, may 37 segundo ang nalalabi, upang basagin ang 79-79 pagtatabla, sapat upang maitakas ng Tropang Giga ang panalo.
Nakalikom si Hollis-Jefferson ng 23 points, 19 rebounds, 5 assists, at 5 block shots sa isang all-around effort na nagbigay sa TNT ng 3-1 lead sa best-of-seven series.
Maaaring umabante ang Tropang Giga sa Finals sa Game 5 sa Biyernes sa parehong venue.
Gayunman, sinabi ni coach Chot Reyes na hindi pa iniisip ng defending champions ang pag-abante sa finals.
“That’s far our minds right now. Our tought is the preparation for the next game. Rain or Shine came up with a great game plan today, But I thought our players fought hard, buckled down, and give a lot to the effort that they put in,” anang TNT mentor.
“In the end, they know what they want to do. We know what they want to do. It’s just really going to boil down as to who wants it more.”
Muling pinahirapan ni Rey Nambatac ang kanyang dating koponan sa pagtala ng double-double na 15 points at 11 rebounds, habang isinalpak ang isang tres, may 1:11 ang nalalabi, upang bigyan ang Tropang Giga ng 79-76 kalamangan.
Subalit ilang sandali matapos nito, sumagot si Leonard Santillan, na tumapos na may 11 points at 5 rebounds, para sa Rain or Shine at nakumpleto ang three pointer mula sa foul ni Poy Erram upang itabla ang talaan sa huling pagkakataon at nagbigay-daan sa endgame heroic ni Hollis-Jefferson.
“It’s kind of tough, because I can’t dunk every play. But I knew we really needed a basket,” sabi ni Hollis-Jefferson.
May pagkakataon ang Rain or Shine, na pinangunahan ni Fuller na may 22 points at 18 rebounds, na ihatid ang laro sa overtime, subalit nasupalpal ang tira ni Jhonard Clarito ni Hollis-Jefferson, may 18 segundo ang nalalabi..
Pagkatapos ay nagmintis ang Elasto Painters sa kanilang sumunod na possession, bago naagaw ni Hollis-Jefferson ang bola kay Clarito matapos makuha ng Rain or Shine guard ang offensive rebound laban sa tatlong TNT players.
CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (81) — Hollis-Jefferson 23, Nambatac 15, Oftana 15, Castro 9, Erram 8, Williams 5, Pogoy 4, Aurin 2, Khobuntin 0.
Rain or Shine (79) — Fuller 22, Santillan 11, Norwood 8, Clarito 8, Mamuyac 6, Nocum 6, Belga 6, Caracut 4, Lemetti 3, Asistio 3, Datu 2.
Quarterscores: 18-22; 39-39; 63-59; 81-79.