Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Ginebra vs Meralco
7:30 p.m. – San Miguel vs Converge
ANTIPOLO CITY – Muling nagtala si Rondae Hollis-Jefferson ng double-double, habang nanalasa si Glenn Khobuntin sa 3-point area upang tulungan ang TNT na pataubin ang NLEX, 109-91, at lumapit sa semifinals sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center.
Naging sandigan din ng Tropang Giga sa kanilang panalo sa Game 3 ang depensa makaraang malimitahan si DeQuan Jones upang kunin ang 2-1 series lead sa quarterfinal series.
Maaaring tapusin ng TNT ang serye sa Martes sa Ninoy Aquino Stadium.
Nagbuhos si Hollis-Jefferson ng 27 points, 12 rebounds, at 8 rebounds para sa TNT, na lumamang sa halos buong laro, kabilang ang 108-82 kalamangan sa fourth.
Kuminang si Khobuntin mula sa bench upang tumapos na may 17 points, ipinasok ang lima sa 15 tres ng TNT sa laro, habang kumalawit din ng 6 rebounds.
“For any team in this league to win by a big margin, it has to be a combination of good defense with good offense,” sabi ni TNT coach Chot Reyes. “Finally, tonight, we were able to get both.”
Nagdagdag si Calvin Oftana ng 18 points sa 3-of-7 mula sa tres, habang kumamada si Rey Nambatac ng 17 points, 6 rebounds, at 4 assists para sa Tropang Giga.
Sa pag-struggle ni Jones, nanguna si Robbie Herndon na may 17 points at 5 assists, habang nakakolekta si Robert Bolick ng 12 points at 10 assists. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (109) – Hollis-Jefferson 27, Oftana 18, Nambatac 17, Khobuntin 17, Williams 11, Pogoy 8, Castro 6, Erram 4, Aurin 1, Heruela 0, Ebona 0, Payawal 0, Galinato 0.
NLEX (91) – Herndon 17, Jones 16, Bolick 12, Policarpio 11, Anthony 9, Valdez 6, Torres 5, Mocon 4, Semerad 3, Rodger 3, Amer 2, Nieto 2, Nermal 1, Miranda 0.
Quarters: 32-21; 51-40; 89-68; 109-91.