DALAWANG kamay na dumakdak si TNT forward Brandon Guelas – Rosser sa kanilang laro kontra NorthPort sa PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Kuha ni PETER BALTAZAR
Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
3 p.m. – Blackwater vs Rain or Shine
6:15 p.m. – NLEX vs Magnolia
NAGPASABOG si Arvin Tolentino ng 29 points upang tulungan ang NorthPort na hilahin ang kanilang winning streak sa apat na laro sa 112-96 panalo kontra TNT sa PBA Philippine Cup nitong Biyernes sa Smart-Araneta Coliseum.
Pinainit ni Tolentino ang Batang Pier sa pag-iskor ng 22 points sa first half, nagtala ng malaking kalamangan na hindi na nahabol ng Tropang Giga.
Umangat ang NorthPort sa 4-1 upang manatiling isa sa pinakamainit na koponan sa liga.
Umabante ang Batang Pier ng hanggang 32 points laban sa isa sa traditional powerhouses sa liga.
Nabasura ang 34 points ni RR Pogoy para sa TNT na nahulog sa 2-3, at nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan.
Hindi kinakitaan ng pangangalawang ang Batang Pier matapos ang 26-day break. Huli silang naglaro noong March 10 nang talunin nila ang Meralco, 90-85.
“’Yung request ko (sa kanila) was to stay consistent in practice para maganda ‘yung pinapakita nila. Binigay naman nila ‘yung laro na gusto natin,” wika ni NorthPort coach Bonnie Tan.
Nag-ambag si JM Calma ng 22 points at 13 rebounds para sa NorthPort, na nakakuha rin ng 14 points mula kay Joshua Munzon.
Na-outscore ng Batang Pier ang Tropang Giga, 32-18, sa pagtatapos ng first quarter. Kalaunan ay lumamang sila sa 66-34 sa fourth quarter tungo sa pinakamalaking panalo sa conference.
CLYDE MARIANO
Iskor:
NorthPort (112) – Tolentino 29, Calma 22, Munzon 14, Flores 9, Bulanadi 7, Lucero 6, Navarro 6, Taha 5, Rosales 4, Amores 3, Paraiso 3, Zamar 2, Yu 0, Cuntapay 0.
TNT (96) – Pogoy 34, Aurin 18, Oftana 13, Galinato 7, Montalbo 6, Khobuntin 5, Castro 4, B. Ganuelas-Rosser 4, Ponferada 3, Williams 2, Ebona 0, Varilla 0, Reyes 0, Heruela 0, M. Ganuelas-Rosser 0.
QS: 32-18; 61-34; 85-57; 112-96.