TROPANG GIGA NAGPARAMDAM

tnt vs dyip

Mga laro ngayon:

Ynares Sports Arena -Pasig

2 pm – Sa Miguel vs Meralco

4:35 pm – NLEX vs Ginebra

7 pm- Blackwater vs Rain or Shine

NAITALA ng TNT Tropang Giga ang kanilang unang panalo sa  2021 PBA Philippine Cup makaraang pataubin ang TerraFirma Dyip, 86-79, kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Kumamada si Jayson Castro ng 17 points, 5 rebounds at 4 assists, habang nagdagdag sina JP Erram ng 15 points at 11 rebounds at Troy Rosario ng 14 points at 10 boards para sa Tropang Giga.

Tinapyas ng Terrafirma ang deficit sa limang puntos, may dalawang minuto ang nalalabi mula sa apat na sunod na puntos ni Juami Tiongson, 79-84, subalit ito na ang pinakamagandang nagawa ng koponan kung saan nagmintis sila sa lahat ng kanilang huling tatlong field goals.

Sinelyuhan ni Poy Erram, nakalikom ng 15 points, 11 rebounds, at 3 blocks, ang panalo sa pamamagitan ng layup, may 20 se-gundo ang nalalabi.

Gumawa rin si Troy Rosario ng  double-double para sa Tropang Giga na may 14 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Roger Pogoy ng 10 points, 5 assists, at 4 rebounds.

Nanguna si Aldrech Ramos para sa TerraFirma na may 17 points, kabilang ang 3-for-4 shooting mula sa 3-point range.

“Obviously, we’re happy we won, but we’re kind of disappointed with the way we played in the last quarter and a half of this game,” sabi ng nagbabalik na TNT coach na si Chot Reyes.

Muling hinawakan ni Reyes ang TNT kapalit ni Bong Ravena sa pag-asang muling mabigyan ang franchise ng PBA title matapos dumanas ng kabiguan sa ilalim nina coach Nash Racela, Mark Dickel at Ravena.

Ang TNT ay nauna nang binigyan ni Reyes ng apat na kampeonato, kasama ang back-to-back Philippine Cup titles noong 2011-2012.

Sa ikalawang laro ay namayani ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots kontra Phoenix Fuel Masters, 80-73. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

TNT (86) – Castro 17, Erram 15, Rosario 14, Pogoy 10, Marcelo 9, Williams 7, Khobuntin 6, Reyes 5, Montalbo 3, Exciminiano 0, Heruela 0, Alejandro 0, Washington 0, Javier 0, Mendoza 0

Terrafirma  (79) – Ramos 15, McCarthy 13, Cahilig 12, Tiongson 10, Adams 7, Laput 6, Munzon 6, Alolino 2, Gabayni 2, Ganuelas-Rosser 2, Balagasay 2 Calvo 0, Camson 0, Batiller 0, Celda 0.

QS: 17-20, 45-33, 71-59, 86-79.

Ikalawang laro:

Magnolia (80) – Abueva 26, Lee 21, Barroca 7, Jalalon 6, Sangalang 6, Dela Rosa 6, Reavis 3, Ahanmisi 3, Corpuz 2, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0, Dionisio 0.

Phoenix (73) – Wright 20, Manuel 16, Perkins 11, Garcia 11, Chua 7, Demusis 4, Pascual 2, Rios 2, Muyang 0, Calisaan 0, Banchero 0, Faundo 0, Melecio 0, Jazul 0, Napoles 0.

QS: 11-11, 25-23, 55-51, 80-73.

4 thoughts on “TROPANG GIGA NAGPARAMDAM”

Comments are closed.