TROPANG GIGA NAKADALAWA NA

Mga laro bukas:
(Dasmarinas, Cavite)
5 p.m. – San Miguel vs Ginebra
7:30 p.m. – Rain or Shine vs TNT

SUMANDAL ang TNT sa malaking third-quarter run upang pataubin ang Rain or Shine, 108-91, at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang PBA Governors’ Cup semifinals kagabi sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan nina Calvin Oftana at Rey Nambatac ang mainit na offensive run nang ma-outscore ng Tropang Giga ang Elasto Painters, 38-21.

Sapat na ito para mapalobo ng TNT ang three-point lead sa 85-65 papasok sa fourth quarter tungo sa Game 2 victory.

“We can’t take our foot off the pedal,” wika ni coach Chot Reyes sa post game presser. “It’s nice to be up 2-0, but it takes 4 to get to the next stage.”

Naitala ni Oftana ang 13 sa kanyang 18 points sa game-changing stretch at naiposte ni Nambatac ang 11 sa kanyang 17 at ipinalasap ng dalawang players kay dating coach Yeng Guiao at sa Elasto Painters ang ikalawang sunod na kabiguan sa best-of-seven semis.

Gaganapin ang Game 3 sa Linggo sa Dasmarinas, Cavite.

Nanguna si Import Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT na may 23 points at 8 rebounds. Kumalawit si Oftana ng career-tying high 14 boards upang makumpleto ang double-double.

Nagbida si Jhonard Clarito para sa Rain or Shine na may 18 points at si import Aaron Fuller ang isa pang player sa double figures para sa koponan na may 13.

Si Fuller, nangunguna sa imports sa rebounding, ay nalimitahan sa anim lamang makaraang humablot ng 21 sa series opener.
CLYDE MARIANO

Iskor:
TNT (108) — Hollis-Jefferson 23, Oftana 18, Nambatac 17, Aurin 11, Pogoy 8, Galinato 8, Erram 6, Khobuntin 6, Castro 5, Heruela 5, Payawal 1, Ebona 0, Varilla 0, Exciminiano 0

Rain or Shine (91) — Clarito 18, Fuller 13, Caracut 9, Lemetti 9, Belga 9, Norwood 9, Datu 8, Santillan 5, Nocum 3, Villegas 3, Mamuyac 3, Asistio 2, Ildefonso 0.

Quarterscores: 17-21; 47-44; 85-65; 108-91.