TROPANG GIGA SA Q’FINALS

ray park

Mga laro ngayon:

AUF GYM

10 a.m. – Rain or Shine vs NLEX

1 p.m. – Blackwater

vs Meralco

4 p.m. – Magnolia

vs TNT

6:45 p.m. – NorthPort

vs Ginebra

BALIK sa porma ang TNT Tropang Giga matapos na mabigo sa NLEX Road Warriors sa kanilang huling laro, at tinambakan ang NorthPort Batang Pier, 112-87, upang makopo ang outright playoff berth sa PBA Philippine Cup bubble play kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Nagamit ng Tropang Giga ang naipong lakas mula sa four-game breather, at maagang dinurog ang Batang Pier.

Nagbuhos si Bobby Ray Parks ng 22 points upang pangunahan ang sa TNT sa awtomatikong pagpasok sa playoffs na may anim na panalo at isang talo.

Ang susunod na misyon ng Tropang Giga ay ang top four finish at twice-to-beat advantage sa quarterfinals kung saan makakasagupa ng TNT ang Magnolia Hotshots ngayong alas-4 ng hapon.

“Today was a great response of the team from a loss. We showed up with a lot of energy, picked up the pieces and it’s a testament to the determination of the team,” sabi ni Parks, na tumapos na may double-double na may 10 rebounds at nagbigay ng dalawang assists.

Gayunman, iginiit ni Parks na ang kanilang panalo laban sa NorthPort ay dahil sa group effort.

Kumana rin si Troy Rosario ng double-double game na may 14 markers at 10 boards, gumawa si RR Pogoy ng 15 points habang umiskor sina Jay Washington at Almond Vosotros ng tig- 11 points kapwa mula sa bench.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena na malaking bagay ito lalo na’t sinisikap nilang maikalat ang mga minuto sa patapos na bahagi ng elims.

“It’s a good sign,” wika ni Ravena patungkol sa suporta na kanilang nakuha mula sa bench.

Sa unang laro ay nalusutan ng San Miguel Beer ang mabagal na simula upang maitakas ang 90-88 overtime win laban sa Blackwater.

Sumandal naman ang Phoenix sa maiinit na kamay ni Matthew Wright at sa triple double effort ni Calvin Abueva nang durugin ng Fuel Masters ang wala pang panalong Terrafirma, 116-94, sa ikalawang laro ng quadruple header. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

SMB (90) – Tautuaa 26, Lassietr 12, Cabagnot 11, Pessumal 10, Santos 9,Ross 8, Gamalinda 5, Zamar 4, Mamaril 3, Escoto 2, Alolino 0, Vigil 0, De Guzman 0, Comboy 0.

Blackwater (88) – Daquioag 20, Tolomia 7, Trollano 0, Golla 0, Canaleta 8, Dennison 7, Salem 5, Gabriel 3, Suman 2, Dario 0, Shaw 0, Magat 0.

QS: 20-27, 41-41, 68-59, 84-84, 90-88 (OT)

Ikalawang laro:

Phoenix (116) — Wright 33, Jazul 16, Heruela 14, Perkins 14, Abueva 12, Chua 10, Intal 4, Mallari 6, Garcia 3, Rios 2, Napoles 2, Marcelo 0.

Terra Firma (94) — Perez 32, Tiongson 15, Camson 11, Ramos 9, Adams 6, Gabayni 5, Balagasay 4, Cahilig 4, McCarthy 3, Batiller 3, Celda 2, Agovida 0, Khobuntin 0, Calvo 0, Faundo

QS: 23-26; 59-55; 86-71; 116-94.

Ikatlong laro:

TNT (112) Parks 22, Pogoy 15, Rosario 14, Washington 11, Vosotros 11, Reyes 9, Erram 8, De Leon 7, Castro 7, Flores 4, Semerad 2, Montalbo 2, Enciso 0, Carey 0, Alejandro 0.

NorthPort (87) – Nabong 17, Standhardinger 15, Cruz 14, Taha 8, Subido 8, Lanete 8, Manganti 6, Elorde 4, Guinto 3, Revilla 2, Ferrer 2, Anthony 0, Grey 0.

QS:  30-13, 54-30, 90-55, 112-87.

6 thoughts on “TROPANG GIGA SA Q’FINALS”

  1. 701193 826660Hi, Neat post. Theres a difficulty along together with your site in internet explorer, could test this IE nonetheless may be the marketplace leader and a great portion of men and women will omit your outstanding writing because of this issue. 867395

Leave a Reply

Your email address will not be published.