TROPANG GIGA SA S’FINALS

MAGAAN na dinispatsa ng TNT ang Phoenix Super LPG, 132-105, upabg umabante sa PBA Governors’ Cup semifinals kahapon sa Araneta Coliseum.

Hindi hinayaan nina Jayson Castro, Glenn Khobuntin, Roger Pogoy at Mikey Williams na masayang ang triple double ni Rondae Hollis-Jefferson nang pangunahan ang second half surge na naging tuntungan ng top-ranked Tropang Giga upang agad na umusad sa susunod na round.

Matapos ang panalo, ang ika-9 na sunod ng Tropa mula pa sa eliminations, sinabi ni coach Jojo Lastimosa na natutuwa siya sa paraan kung paano naipagpag ng kanyang tropa ang walang siglang first half.

“There were just a lot of frustrations in the first half, probably because we were expecting too much of ourselves that Phoenix is a pushover but they’re not. When we could not get the lead, everyone was frustrated. Not only the players but even the coaches,” paliwanag ni Lastimosa.

“So at halftime we just said that we need to pull the frustration level down. That’s all we did,” dagdag ni Lastimosa. “We just needed to calm down and pick our spots and play the game.”

Nagbuhos si Khobuntin ng career-high 19 points, tampok ang siyam na third quarter points na nagsindi sa run ng TNT mula sa sixth at last deadlock ss 66-all at sa 83-71 lead.

Pagkatapos ay nag-take over sina Pogoy, Castro at Mikey Williams at pinalobo ang kalamangan ng hanggang 120-92 na sa huli ay nagbigay kay Lastimosa ng luxury na ipasok si Poy Erram sa huling 5:21 ng laro.

Sa kanyang unang laro magmula nang sumailalim sa pre-conference knee procedure, si Erram ay tumapos na may 6 points at 2 rebounds, isang welcome sign para sa Tropa dahil maaaring hindi maglaro si Kelly Williams sa kabuuan ng playoffs.

Ilang segundo lamang matapos na ipasok sa first quarter, ang dating MVP ay nagtamo ng pulled right calf muscle. “We’re expecting the worst in Kelly,” sabi ni Lastimosa.

Kumubra si Pogoy ng 25 points, 18 ay mula sa second half sa kabila na masama ang kanyang pakiramdam, habang nagdagdag si Castro ng 20 points, 17 ay kanyang kinamada sa first half na nakatulong para bahagyang makalamang ang TNT, 66-64, sa break.

Sa kabila ng apat na fouls sa first half, tumapos pa rin si Hollis-Jefferson na may 18 points, 12 rebounds at 10 assists habang nakalikom si Calvin Oftana ng 15 points at umiskor si Mikey Williams ng 14.

Nanguna si Du’vaughn Maxwell na may 23 points at 10 rebounds para sa Phoenix, na nakakuha rin ng 21 points mula kay Jason Perkins at 15 kay Jayvee Mocon.

CLYDE MARIANO

Iskor:
TNT (132) – Pogoy 25, Castro 20, Khobuntin 19, Hollis-Jefferson 18, Oftana 15, M.Williams 14, Chua 6, Erram 6, Montalbo 3, Marcelo 2, K.Williams 2, Ganuelas-Rosser 2, Varilla 0, Tungcab 0.
Phoenix (105) – Maxwell 23, Perkins 21, Mocon 15, Serrano 9, Jazul 8, Manganti 8, Tio 7, Muyang 5, Soyud 3, Lojera 3, Alejandro 3, Garcia 0, Camacho 0, Adamos 0, Go 0.
QS: 38-41, 66-64, 100-83, 132-105.