Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Converge vs Magnolia
7:30 p.m. – Rain or Shine vs Blackwater
MAGAAN na dinispatsa ng TNT ang NorthPort, 99-79, sa kanilang huling laro sa group stage ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Tinapos ng Tropang Giga ang eliminations na may 8-2 record upang opisyal na kunin ang top seed sa Group A, at makakaharap ang No. 4-ranked squad sa Group B, ang NLEX o Blackwater.
Ang dalawang koponan ay nagparada ng isang all-Filipino roster kung saan nagpasya ang TNT ns huwag paglaruin si Rondae Hollis-Jefferson para magpagaling sa minor injury. Hindi naman nakasama ng NorthPort si Venky Jois sa ikalawang pagkakataon dahil sa Achilles tear.
Subalit nangibabaw ang lakas ng Tropang Giga kung saan bumawi sila mula sa 84-72 loss sa Terrafirma noong nakaraang Huwebes, at ipinalasap sa Batang Pier ang kanilang ika-7 kabiguan sa 10 laro.
“I thought we saw some positives today to be able to score better even without Rondae. Our offensive efficiency has to pick up in the playoffs,” sabi ni TNT coach Chot Reyes.
Nagtala si Poy Erram ng 17 points at 13 rebounds, habang nagdagdag din si Rey Nambatac ng double-double na 15 points at 11 rebounds.
Tumipa si Roger Pogoy ng 14 points, habang sumalang si Henry Galinato sa kanyang unang laro ngayong conference matapos ang MCL sprain at nagdagdag ng 11 points at 7 rebounds.
Naglaro si Calvin Oftana sa loob lamang ng pitong minuto makaraang dalhin sa ospital dahil sa cut sa kanyang labi matapos makabangga si Arvin Tolentino.
Nagbuhos si Tolentino ng 24 points at 6 rebounds, habang nagposte si Cade Flores ng 18 points at 9 rebounds para sa NorthPort.
CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (99) – Erram 17, Nambatac 15, Pogoy 14, Galinato 11, Williams 9, Oftana 7, Castro 6, Khobuntin 5, Ebona 4, Vosotros 3, Payawal 3, Heruela 2, Varilla 2, Exciminiano 1.
NorthPort (79) – Tolentino 24, Flores 18, Onwubere 7, Jalalon 6, Yu 6, Navarro 5, Amores 4, Nelle 3, Cuntapay 2, Taha 2, Munzon 2, Tratter 0, Bulanadi 0.
Quarters: 19-25; 43-36; 65-60; 99-79.