TROPANG GIGA WALANG DUNGIS; BEERMEN PISAK SA DYIP

Tropang Giga

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

2 p.m.- NLEX vs Alaska

4:35 p.m.- Rain or Shine vs Phoenix

SUMANDAL ang TNT Tropang Giga sa malaking third quarter upang durugin ang Blackwater, 96-76, at manatiling walang talo sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ito ang unang laro sa pagbabalik ng PBA 46th season makaraang mahinto ang conference noong nakaraang August 3 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Nanguna si Mikey Williams na may 16 points para sa TNT na naitala ang ika-4 na sunod na panalo.

Ito ang unang pagkakataon na iginiya ni coach Chot Reyes, na unang hinawakan ang  TNT noong 2008-2012, ang koponan sa 4-0 simula sa anumang conference subalit hindi siya lubusang kumbinsido.

“Our objective sa game na ito was to put together 48 minutes of good basketball and obviously we failed because Blackwater outplayed us in the first 24 minutes,” wika ni Reyes, patungkol sa maagang paglamang ng Bossing kung saan naitarak nito ang 43-37 bentahe sa half.

“Credit to (Blackwater) coach Nash (Racela) and his staff. They came out with a very good and solid game plan against us. Pinahirapan kami talaga sa first half,” stated Reyes.

Sa kabutihang palad ay gumana sina relievers Brian Heruela at Dave Marcelo na nagsalitan sa pag-angat sa TNT sa third period, na nagbigay-daan para ma-outscore ng Tropa ang Bossing, 37-17, bago ginamit ang momentum sa pagtarak ng 94-68 kalamangan.

“Fortunately, we were able to adjust and our depth showed in the second half,” ani Reyes.

“I think we wore them down a bit with our pressure and our depth, that’s why we were able to pull this ‘W’ off.”

Nagbida si Simon Enciso para sa Blackwater na may 14 points, ngunit hindi siya nakaiskor sa huling  14 minuto.

Nanatiling walang panalo ang Bossing na may 0-5 marka sa torneo.

Nag-ambag si ex-Meralco Bolt Baser Amer ng 9 points habang sumalang na rin sina newly-activated Carl Bryant Cruz at Frank Golla.

Sa ikalawang laro ay kinailangan ng Terrafirma Dyip ng extra five minutes upang maitakas ang 110-104 upset victory kontra San Miguel Beermen.

Ito ang unang panalo ng Terrafurma sa limang laro habang naputol ang three-game winning streak ng San Miguel para sa 3-2 kartada. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

TNT (96) – M. Williams 16, Pogoy 13, Castro 13, Montalbo 9, Marcelo 9, Erram 8, Heruala 8, Rosario 8, Khobuntin 7, Alejandro 7, Exciminiano 0, Reyes 0, K. Williams 0, Javier 0, Mendoza 0.

Blackwater (76) – Enciso 14, Nabong 11, Cruz 11, Amer 9, Canaleta 8, Daquioag 6, Paras 4, Tolomia 4, Escoto 4, Golla 3, Desiderio 2, Semerad 0, Dennison 0, Magat 0, Torralba 0.

QS: 28-18, 37-43, 74-60, 96-76

Ikalawang laro:

Terrafirma (110) – Tiongson 28, Ramos 17, Camson 13, Gabayni 11, McCarthy 10, Cahilig 9, Ganuelas-Rosser 7, Celda 6, Batiller 5, Laput 4, Calvo 0.

San Miguel (104) – Romeo 28, Santos 19, Fajardo 18, Tautuaa 11, Ross 10, Perez 10, Lassiter 5, Gotladera 3, Pessumal 0, Zamar 0, Gamalinda 0.

QS: 19-16, 42-40, 61-75, 95-95, 110-104.

94 thoughts on “TROPANG GIGA WALANG DUNGIS; BEERMEN PISAK SA DYIP”

  1. 10017 572734The planet are truly secret by having temperate garden which are generally beautiful, rrncluding a jungle that is undoubtedly undoubtedly profligate featuring so many systems by way of example the game courses, golf procedure and in addition private pools. Hotel reviews 40380

  2. 535293 895231Top rated lad speeches and toasts, as well toasts. could extremely nicely be supplied taken into consideration making at the party consequently required to be slightly more cheeky, humorous with instructive on top of this. very best man speeches funny 502136

Comments are closed.