LUMAKAS pa ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at umabot na sa Severe Tropical Storm category.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,165 kilometers East ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Kahapon ay tinaya na inaasahang papasok sa loob ng bansa ang bagyo at papangalan itong “Odette”.
Sa Huwebes (Dec. 16) ng hapon o gabi ay posibleng mag-landfall ito sa bisinidad ng Caraga o Easgern Visayas.
Ayon sa PAGASA, magtataas ng Tropical Cyclone Wind Signals Visayas, malaking bahagi ng Mindanao,at ilang lalawigan sa Southern Luzon.
Sa susunod na 24 na oras, ang Severe Tropical Storm “RAI” ay magdudulot na ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga at Davao Oriental.