TRUCK BUMANGGA SA ARKO: DRIVER, PAHINANTE SUGATAN

BULACAN- SUGATAN ang driver at pahinante ng truck matapos na bumangga sa haligi ng arko ng Bulacan sa bahagi ng Brgy. Tikay, Malolos City sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Roy Perez y Atayde, 31-anyos ng Purok 4, San Leonardo, Nueva Ecija at driver na si Ronald Perez Atayde, 32- anyos.

Nabatid na tinatahak ng truck ang southbound lane ng McArthur Highway nang bumangga ang Foton Truck na may plakang CAK-1696 dakong alas- 4:56 ng madaling araw.

Nawalan ng umano ng kontrol ang driver matapos maidlip sa pagmamaneho na naging sanhi ng kanyang pagbangga.

Dahil sa tindi ng pinsala, naputol ang buto sa binti ng driver at sugatan din ang pahinante na agad dinala sa Bulacan Medical Center (BMC) ng Malolos Rescue na sa kalaunan ay inilipat sa (PJG) Paolino J Garcia Hospital in Cabanatuan City, Nueva Ecija.
THONY ARCENAL