QUEZON – AGAD na binawian ng buhay ang driver ng six wheeler truck samantalang dalawa naman ang nasugatan makaraang araruhin ang isang bahay sa Brgy. Tinandog, bayan ng Atimonan.
Kinilala ang nasawing truck driver na si Domingo Llaneta Jr., 33-anyos, residente ng Purok 3, Brgy.49 Bigaa, Legazpi City, Albay; at sugatan naman sina Alberto Giba, 34-anyos, truck helper, residente ng Brgy. Mayon Castilla, Sorsogon; at ang may-ari ng binanggang bahay na si Prudencio Semillano, 60-anyos, na kapwa ginagamot sa Doña Marta District Hospital.
Base sa report ng Atimonan-PNP, bandang alas-12:06 ng madaling araw nang salubungin at sinabitan umano ang kaliwang bahagi ng tagiliran ng truck na may plakang TPE-407 ng kasalubong nito na JAC Daet Express Bus na may plakang NDC-5621 na minamaneho ni Nemesio Estacion, 50-anyos at residente ng Brgy. Malancao, Basud Labo, Camarines Norte.
Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck kung kaya’t nagdire-diretso ito at inararo ang isang bahay sa kanang bahagi ng Maharlika Highway. BONG RIVERA
Comments are closed.