7 KATAO NA MAKIKIPAGLAMAY MINALAS

truck nahulog

IFUGAO – PITO ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa pagkahulog ng isang elf truck sa bangin na may lalim na 10 metro lulan ang mga biktima dakong alas-7:45 ng umaga noong Huwebes sa Sitio Muntonop, Ubao, Aguinaldo.

Kinilala ni P/Lt. Ricardo Dumangeg, hepe ng Auinaldo Police Station, ang mga nasawi na sina Joey Tambiag, dri­ver ng truck, Divina Chumatog Tambiag, asawa ng driver, Wilma Chumatog, Josephine Uhuban, Ricky ‘’Ngettet’’ Chog-up, Rosita Paynohon, kapwa mga residente ng Maliong Aguinaldo, Ifugao at si Vicente Nu­yagao, residente naman ng Timboan, Bunhian.

Habang ang tatlong sugatan naman kabilang ang isang batang babae ay sina Kimberly Joy Tambiag, anak nina Joey at Divina Tambiag na nasawi, Artist Paynohon, at si Fernando Bahiwag, pawang residente ng Aguinaldo.

Galing ang mga magkakamag-anak na mga biktima sa Majalong at patungo sana sa kanilang kamag-anak para maki­paglamay nang mawalan ng preno ang kanilang sinasak­yang truck kaya nahulog sa bangin.

Patuloy ang imbestigasyon ng Aguinaldo Police Station para malaman ang tunay na dahilan ng pagkahulog sa bangin ng truck na pag-aari ni Jordan Pinagod ng Majalong. IRENE GONZALES

Comments are closed.