MISAMIS ORIENTAL-LABING isang kalalakihan ang malubhang nasugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang truck bunsod ng malakas na pag-ulan sa bayan ng Tagoloan sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Tagoloan Municipal Risk Reduction Management Office at local police kasalukuyang binabagtas ng truck na may kargang kahoy ang national road nang mawalang ng kontrol ang driver nito at aksidenteng mahulog ang sasakyan sa bangin pagsapit sa area na sakop ng Barangay Rosario.
Sinasabing kasalukuyan maulan at lubhang madulas ang kalsadang nang maganap ang sakuna na ikinasugat ng 11 biktima.
Nagawa namang maitakbo sa pagamutan ang mga sugatan matapos na malapatan ng paunang lunas ng mga tauhan ng municipal disaster office, barangay at Bureau of Fire Protection na rumesponde sa lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.