ZAMBOANGA CITY – AABOT sa milyong piso ang halaga ng smuggled rice na nasabat ng Naval Forces Western Mindanao na itinurn over sa Philippine National Police kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na nakalap mula sa Zambo City Police, nasabat nila ang isang truck na puno ng sako-sakong “smuggled rice” na una nang nakumpiska ng AFP at dapat sana ay nasa kustodiya ng Phil. Navy (Naval Forces Western Mindanao) na nasa loob naman ng WesMinCom.
Base sa nilalaman ng Blotter Entry Nr 0761-18-06-02-18, nasabat ang bigas sa Upper Calarian bandang alas-9:50 ng gabi kamakalawa.
Kinilala ang naarestong suspek na si Michael Napolereyes y Carpio 29- anyos na siyang driver ng sinitang kulay puting Canter Fusu truck na may plakang ACS- 6904 na pag-aari ng isang Salam, Jibil Addan ng bayan ng Mampang, ZC.
Base sa ulat, agad na bumuo ng roving patrol ang mga pulis sa pamumuno ni Police Chief Insp. Ramon I Bautista sa kahabaan ng Upper Calarian malapit sa Gate ng WesMinCom at napuna nila ang nasabing truck na bahagyang nakabukas ang pinto sa hulihang bahagi kaya nasilip ng mga pulis ang karga nitong sako-sakong bigas
Nang sitahin ng mga pulis ang nasabing truck malapit sa Budgetwise, Calarian ay walang maipakitang dokumento ang driver para sa may 125 na 50 kgs na sako ng bigas na may brand name na “CHEF BRAND” long grain na nagmula umano sa WesMinCom. VERLIN RUIZ
Comments are closed.