BATAAN – PATAY ang tatlo katao nang sumalpok ang isang cargo truck sa poste ng koryente sa tabi ng isang punerarya kung saan kasamang nasawi ang isang nakikipaglamay kamakalawa ng gabi sa Mariveles.
Sa ulat ng Bataan PNP, patay sa sakuna si Gerardo Ignacio, 45 at asawa nitong si Loida Centillon gayundin ang nakikipaglamay na si Jasper Vinzon.
Nawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong cargo truck ni Ignacio dahilan upang sumalpok ito sa electric post saka nahagip si Vinzon sa Barangay Mountain View.
Pawang dead on arrival sa ospital ang mag-asawang Ignacio habang dead on the spot si Vinzon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.