TRUCKERS BAWAL SA NLEX SA OPENING NG SEA GAMES

Truck

MAKATI CITY – PINAALALAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truckers na iwasan ang North Luzon Expressway (NLEX) sa mga oras na itinakda sa pagbubukas ng Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.

Ayon kay MMDA spokesperson Celline Pialago na sila ay nakipag-usap na sa truckers association at ang napag-usapan ay kung maaaring agahan nila ang kanilang mga transaction at iwasan ang NLEX bago ang 11:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon o ‘di kay ay 6:00 ng gabi.

“’Yun lang naman po ‘yung mga oras na kailangan tandaan ng ating mga kababayan para ho makaiwas sila sa pagbigat ng daloy ng trapiko,” dagdag pa nito.

Ang pagbubukas ng SEA Games sa Nobyembre 30 ay gagawin sa Philippine Arena sa Bulacan at ang MMDA ay magsasagawa ng stop-and-go scheme sa mga kalyeng dadaanan ng convoy ng mga atleta.

“‘Yung convoy inaasahan na dadaan sa yellow lane, overpasses and underpasses sa kahabaan ng EDSA,” pahayag ni Pialago.

Nagtalaga rin ang MMDA ng mga chokepoint sa ilang lugar bilang bahagi ng paghahanda sa 12- araw na sports event na gaganapin sa iba’t ibang lugar.

Ayon pa kay Pialago, ay hiniling na rin nila ang suspensiyon ng mga klase sa 12 eskuwelahan na madadaanan ng convoy ng mga alteta at kasalukuyan nilang hinihintay ang approval nito. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.