NAGPOSITIBO sa COVID-19 si US President Donald Trump at First Lady Melania Trump.
Mismong si Trump ang nagkumpirma ng balita sa official Twitter account ng presidente.
Sinabi ni Trump sa sasailalim na sila sa quarantine at recovery process.
Ang Pangulo at ang First Lady Melania Trump ay nagkaroon ng close contact sa top aide ng US president na si Hope Hicks na naunang nagpositibo sa COVID-19.
“Tonight, @FLOTUS and I tested positive for COVID-19. We will begin our quarantine and recovery process immediately. We will get through this TOGETHER!,” ayon sa Tweet.
Si Hicks ay nakasama ni Trump kamakailan sa mga dinaluhang event ng Pangulo.
Comments are closed.