TIWALA si US President Donald Trump na tatalima si North Korean leader Kim Jong-un sa kanilang napagkasunduang denuclearization sa Korean Peninsula, na hudyat umano ng pagbabago ng relasyon ng dalawang bansa.
Sa isang press briefing pagkatapos ng makasaysayang paglalagda ng dalawang lider sa isang kasunduan sa Singapore, sinabi ni Trump na “very firm” si Kim na ituloy ang denuclearization sa Korean Peninsula.
“I don’t think they have ever had the confidence in a president they have right now for getting things done and ability to get things done,” pahayag ni Trump.
“He was very firm in the fact that he wants to do this — I think he might want to do this as much or even more than me. They see a bright future for North Korea. So you never know, right.”
Sa katunayan, ipinangako nga raw ni Kim na sisirain nila ang kanilang major missile engine testing site.
Hindi na naisama ang commitment na ito sa joint declaration ng dalawang lider subalit iginiit ni Trump na napagkasunduan nila ito ni Kim pagkatapos ang paglalagda sa kasunduan.
Gayumpaman, sinabi ni Trump na wala silang itinakdang timetable para sa complete denuclearization ng Korean Peninsula.
Mahabang panahon ang kakailanganin para magawa raw ito “scientifically”, dagdag ng Pangulo.
Comments are closed.