PINAG-AARALAN ng Capital Market Development Council (CMDC) ang paglikha ng isang child trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mahihirap na pamilya, ayon sa Department of Finance (DOF).
Sa isang statement, sinabi ng DOF na ang pondo ay kukunin sa national at local governments.
Sa 2017 Philippine Statistics Authority (PSA) survey, lumitaw na 18 percent ng out-of-school youth ang nagsabing ang problema sa pananalapi ang pumipigil sa kanilang mag-aral.
Ayon kay National Treasurer Rosalia de Leon, para sa public school students, ang pondo ay maaaring gamitin para sa daily allowances, transportation expenses, board and lodging at iba pang miscellaneous expenses.
“The fund can also either be managed by the government and a part of it can also be cut out to be managed by the private sector. We are still on an exploratory stage and we would like to further do a more detailed or granular study on the CTF and to sell it to the Council in the coming meetings,” sabi ni De Leon, na nagsisilbi ring treasurer ng CMDC.
Aniya, ang panukala ay katulad sa child trust funds ng UK at Singapore.
Sa UK, ang gobyerno ay nagkaloob ng initial seed money na 250 o 500 British pounds per child at ang accumulated fund ay maaaring i-withdraw pagsapit nila ng 18 taong gulang.
Samantala, sa Singapore, ang pamahalaan ay nagkakaloob ng 4,000 SGD sa 10 taon ng primary at secondary education na walang withdrawal restrictions. Ang account ay isinasara kapag sumapit ang bata sa edad na 16 years, ayon kay De Leon.
Sinabi ni Consuelo Garcia, liaison director for Capital Markets ng FINEX, na bukod sa pagpondo sa edukasyon ng mga bata, ang programa ay naglalayon ding buhayin ang kultura ng pag-iimpok sa bansa.
“It is actually to be the missing link to what we have right now. The PERA (Personal Equity and Retirement Account (PERA) is for the working class. This one is for the young people. The baby boomers already got left behind so I think we could have this as a starting point,” aniya.
Comments are closed.