HINDI maitatanggi na patuloy pa pinag-uusapan ngayon sa ating bansa ang pagkuha ng pamahalaan ng pneumococcal conjugate vaccine (PCV) na maaaring humantong din sa panibagong vaccine scare tulad ng naging resulta ng Dengvaxia noong 2017, na siyang paalala ngayon ng mga health advocate.
Ang maling impormasyon at ang potensiyal na monopolyo sa kontrata ng gobyerno ang pangunahing tinalakay sa ginanap na forum na may paksang “The Need for Transparency and Truthfulness in Public Health Amid Misinformation and Fake News,” sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel noong Pebrero 11, 2020, kasama si Medicines Transparency Alliance (MeTA) chairman at dating Bulacan governor Obet Pagdanganan na nananawagan para sa transparency ng procurement process.
“We should have learned our lesson and not allow another dengvaxia scare to happen with pneumonia vaccines,” tugon ni Pagdanganan sa naging PCV bid’s specifications na nagpapahintulot na iisang vaccine manufacturer lamang.
PCV 10 VS PCV 13
Ang dalawang bakunang pinag-uusapan ay ang PCV 10 at PCV 13 na kasalukuyang mabibili ngayon sa merkado. Idinagdag pa ni Pagdanganan na sa kasalukuyan, ayon sa opinyon ng global experts, ay wala pang sapat na ebidensiya na nagdedetermina sa pagkakaiba ng kabuuang epekto ng mga bakunang ito.
“Global experts like the WHO (World Health Organization) have already reported that the available PCVs in the market are comparable in impact so we must make sure that the government procures them through an open, competitive bidding process,” aniya, na tumutukoy sa 2019 position paper ng WHO sa naging pagtuklas noong 2017.
Marso noong nakaraang taon ay nakahanap ng dahilan ang Department of Justice upang isakdal ang dating Health secretary na si Janette Garin kasama ang iba pa para sa pagkamatay ng walong bata, kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay Dr. Lulu Bravo, Executive Director of the Philippine Foundation for Vaccination (PFV), ang kawalan ng sapat na tiwala sa bakuna kasunod nang nangyaring insidente sa Dengvaxia, ay lalong pinapalala nang patuloy na pagpapakalat ng maling impormasyon.
“Even back in 2017, when the vaccine scare was at its peak, misinformation had caused confidence in vaccines to plummet from a 2015 high of 93%, to an abysmal 32% in 2018,” pahayag ni Dr. Bravo. “We should not let another vaccine scare happen again, particularly for pneumonia vaccines because pneumonia is the forgotten killer of children,” dagdag pa niya.
Ayon sa datos ng WHO, ang pneumonia ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga kabataan na limang tao pababa. Kabilang ang Filipinas sa 15 na bansa na may pinakamataas na pagkamatay dahil sa pneumonia. Lumalabas sa pag-aaral na nasa 39 kabataang nasa edad lima pababa ang namamatay araw-araw sa Filipinas ng dahil dito.
Ang paalalang ito ay muling binanggit ng parenting advocate na si Niña Corpus-Rodriguez nang talakayin niya ang pahayag kamakailan ni Senator Mike Defensor at Garin na ang PCV 10 ay mas mahina kaysa sa PCV 13.
“There is so much misinformation in the media right now, and we must all be careful in sorting out the truth from fake news,” paalala ni Rodriguez.
Bilang tugon sa naging pahayag ni Sen. Defensor at Garin tungkol sa kalamangan ng PCV 13, inulit ni Dr. Bravo ang unang naging sentimyento ukol sa opinyon ng global experts sa pagkukumpara sa nagagawa ng dalawang bakuna.
“Ano ang basehan nila? Our basis should be the World Health Organization who, in a more recent study, stated that PCV13 and PCV10 are compa-rable in performance and impact, especially if you are considering nations where there are so many deaths from pneumonia, like the Philippines,” pagpapaliwanag ni Dr. Bravo.
Naglabas din ng pag-aaral ang International Vaccine Access Center (IVAC) at Pan American Health Organization (PAHO) na ang PCV 10 at PCV 13 ay hindi nagpapakita ng pagkakaiba sa pangkalahatang epekto nito.
“As such, saying that one vaccine is weaker than the other is misleading and contributes only to misinformation,” pag-uulit ni Dr. Bravo. “We need to rely on what independent global experts say because it is our responsibility, as pediatricians, to be updated with the most relevant, and most updated information,” aniya.
Ang maling ideya tungkol sa kalamangan ng PCV 13, paliwanag ni Dr. Bravo, ay maaaring base sa pag-aaral ng ibang bansa na maaaring hindi na-man sumasalamin sa kaparehong magiging epekto nito sa Filipinas. Lalo na aniya, tulad ng serotype 19a na hindi naman ganoon ka-prominent sa atin dahil sa ito ay nasa ibang mga bansa.
“Hindi po pare-pareho ang mayroong mikrobyo sa Filipinas, kaysa sa nasa Israel, Amerika, Europa, at China. Hindi porke ‘yun ang ginawa sa ibang bansa, dapat ganoon na rin dito,” pahayag ni Dr. Bravo.
TRANSPARENCY
Dapat na magsulong ang pamahalaan ng mas malinaw na pahayag ukol sa isyung ito, pahayag ni Pagdanganan, na magiging posible lamang kung ang pagkuha ng mga PCV ay dadaan sa “truly open and competitive bid.”
“Dapat may transparency, dahil kung walang transparency ay mako-corner ng isang supplier lang,” ani Pagdanganan. “’Pag may competition, you bring down the cost of medicine, and you make it available. Lower the cost, mas marami kang mabibili at marami kang mako-cover,” dagdag pa ni Pag-danganan.
May nakalaang P4.9-billion budget ang pamahalaan para sa bakuna, kung saan ang 70 porsiyento nito ay para lamang sa mga PCV, nag-aalala si Pagdangan na maaaring makompromiso ang nilalaman ng kontratang ito dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
“The government can save close to a billion pesos annually with PCV10, savings that can be used to save even more Filipino lives,” aniya. “Con-sidering the comparable efficacy of the two vaccines based on the studies of global experts, as well as the cost implications, the decision to choose which vaccine is best for the nation should be made carefully,” pagtatapos ni Pagdanganan.
PAG-IWAS SA PNEUMONIA
Maliit na porsiyento lamang ang bakuna upang mailigtas ang mga bata mula sa sakit na pneumonia at marami pang pamamaraan na maaaring gawin tulad na lamang ng tamang pagbi-breast feed sa ating mga anak, pagtitiyak na naluluto ng maayos ang pagkain at hangga’t maaari ay lutong bahay na lamang ang ipakain kaysa sa mga fast food, pagpapaturok ng mga kinakailangang bakuna sa mga bata, at pagbibigay ng tamang medisina at bitamina sa mga ito.
Dapat din nating i-educate ang mga barangay health clinic at mga magulang tungkol sa sakit at ang kanilang maaaring gawin kung sakaling makaranas ang kanilang mga anak ng hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.
Kinakailangan ng matinding pag-aaral sa pangkalusugang isyu na ito at tanging mga eksperto lamang din ang dapat na pagkatiwalaan ukol dito. AIMEE GRACE ANOC
Comments are closed.