BUKOD sa National Disaster Risk reduction Management Council at kanilang operating arms sa pangunguna ng Office of Civil Defense ay naghahanda na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa isa pang bagyong nagbabanta pumasok sa area of responsibility ng a bansa.
Nagbabala rin si PRC Chairman at CEO Richard Gordon dahil sa palakas aniya nang palakas ang mga bagyong dumarating sa bansa kaysa sa inaasahan.
Kung hindi magbabago ang tinatahak na direksyon ng namataan tropical depression ng Japan Meteorological Agency (JMA) sa bisinidad ng Guam na sinasabing ganap ng isang tropical storm na may international name na Kong-rey. Ay maari itong pumasok sa Philippine PAR sa lingo at tatawaging itong Typhoon “Leon”. Tropical Storm Kong-rey may enter the PAR on Sunday and will be called “Leon.”
Sa ngayon, nakakalat na ang humanitarian caravans ng Red Cross sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine na inaasahang lalabas na Pilipinas bukas.
Nakaalerto rin ang Red Cross sa banta ng pagragasa ng lahar mula sa Bulkang Mayon sa Albay.
Samantala, umakyat na sa mahigit 3.3 milyon na mga Pilipino ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine sa bansa habang mahigit sampung libong indibidwal naman ang pumiling lumikas dahil sa epekto ng bagyo.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development kahapon. Ayon kay DSWD Asec. Irene Dumlao , mahigit 805,000 na pamilya na ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos Region pa lamang kabilang na ang karagdagang 40,000 na pamilya.
Aabot naman sa kabuuang 288,000 na indibidwal o katumbas ng 75,000 na pamilya ang namamalagi sa higit 3,300 shelters na itinalaga ng gobyerno.
Paliwanag ni Dumlao, biglang lobo ang numero ng mga apektadong Pilipino matapos na maipasa sa kanila ang disaster reports mula sa region 1, 2, at mula sa Central Luzon.
Kaugnay nito ay nakapaghatid na rin ang ahensya ng P 111 million na halaga ng humanitarian aid.
Ito ay kinabibilangan ng mahigit 150,000 family food packs at mga nonfood items sa mga evacuations centers kung saan namamalagi ang mga lumikas na pamilya.
VERLIN RUIZ