NADAKIP ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa kasong economic crimes at large scale fraud at nambiktima ng libo-libo nitong kababayan sa pamamagitan ng pyramid investment scheme.
Ayon kay BI Intelligence officer Bobby Raquepo ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI, naaresto si Hu Mingtian, 40 anyos sa kanyang bahay sa Pasay City.
Nasa wanted list ng BI si Hu mula noong nakaraang buwan nang isyuhan ito ng summary deportation order ng board of commissioners dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien.
Nauna nang humingi ng assistance ang Chinese embassy sa BI upang matunton si Hu na subject ng mga reklamo mula sa 7,455 biktima na nagsasabing naloko sila ng mahigit 435 milyong yuan o katumbas ng US$63 million. PAUL ROLDAN
Comments are closed.