TSERMAN BINARIL SA KASAGSAGAN NG CHRISTMAS PARTY

binaril

CAMARINES NORTE – NATULDUKAN ang saya ng Christmas Party nang barilin sa nasabing okasyon ang isang barangay chairman sa bayan ng Mercedes.

Kinilala ang biktima na si Kapitan Joel Baricas ng Barangay Lalawigan sa parehong bayan.

Ginawa sa covered court ng nasabing barangay  ang kasiyahan nang bigla na lamang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima.

Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Patuloy pang inaalam kung mga rebelde ang may kagagawan ng pamamaril o kalaban sa politika.               EUNICE C

Comments are closed.