LAGUNA- ISANG barangay chairman ang sugatan makaraang atakehin ito ng isang estudyante dahil sa umano’y nagpakalat ng maling impormasyon.
Nagtamo ng sugat sa kanang braso si Edgardo Quejda, 59-anyos, chairman ng Brgy.Banca-banca nang hatawin ito ng itak ng estudyanteng si alyas Domeng ng Purok 2 ng naturang barangay.
Sa imbestigasyon ng Nagcarlan Municipal Police Station, sinugod ni Domeng si Quejada sa barangay hall bandang alas 2:15 ng hapon nitong Nobyembre 21,
Kinompronta ng suspek ang kapitan hinggil sa pagpapakalat ng impormasyon umano na Covid19 ang ikinamatay ng isang niyang kaanak .
Dahil sa silakbo ng damdamin ay pinagsusuntok ni Domeng si Quejada, naawat lamang ito ng ilang barangay officials sa kanilang lugar.
Umalis ang suspek at umuwi ng bahay,pagbalik nito ay may dala na itong itak at agad na pinagtataga ang kapitan ng barangay na siyang ikinasugat sa kanang braso ni Quejada. CY QUILLO