CAVITE – PATAYang isang barangay chairman makaraang ratratin ng riding in tandem habang nagmamaneho sa harap ng pampublikong pamilihan sa Brgy. San Dionisio, Dasmarinas City, Cavite kahapon ng umaga.
Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Kapitan Dominador “Jun” Narido Jr. ng Brgy. San Dionisio 1 sa nabanggit na lungsod.
Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang paa ang 6-anyos na batang babae na kasama ng kanyang ina sa palengke.
Sa inisyal na ulat na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, habang nagmamaneho ng kotseng may plakang NDK7822 ang biktima ay bigla itong dinikitan at pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.
Agad na sinaklolohan ng ilang bystander ang biktima para isugod sa ospital hindi na ito umabot pa ng buhay sanhi ng mga timanong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi katawan.
Kasalukuyang blangko ang mga imbestigador ng pulisya sa anggulo ng pagpatay sa biktima habang nangangalap ng mga testigo sa pagkaka-kilanlan ng mga suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.