TSERMAN NA NPA KUMASA SA MILITAR BULAGTA

patay

MASBATE – ISANG barangay chairman na miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang naslang sa pakikipag-sagupa sa militar sa Milagros.

Nagkasagupa ang mga rebelde at 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army at 2nd Masbate Provincial Mobile Force.

Dead on the spot si Wolfert Dalanon alyas Ka Ompong matapos ang may isang oras at kalahati na bakbakan.

Nakuha ng mga sun­dalo sa clearing operations sa encounter site ang isang M16 rifle, isang M653 rifle, carbine, laptop at mga  subversive documents na may high intelligence values.

Nabatid na nirespondehan ng magkasanib na pulis at militar ang sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng Communist Terrorist Group (CTG) sa  Barangay San Antonio.

Bago pa malapitan ay nagkaroon na ng palitan ng putok ng lumaban ang grupo ng communist terrorists sa ilalim ng Komiteng Seksyon sa Platoon 1 (KSPN 1), Larangan 2, at Komiteng Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Commitee (BRPC). VERLIN RUIZ

Comments are closed.