TSERMAN NILIKIDA HABANG NAGKAKAPE

LAGUNA-PATAY sa pamamaril ang isang OIC Barangay Chairman habang umiinom ng kape sa balkonahe ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw kaninang madaling araw sa Calamba City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si OIC Canlubang Chairman Mario Jun Castillo Cogay, 65- anyos ng Block 52, Lot 8,Asia 2,Brgy.Canlubang,Calamba City.

Base sa report na ipinadala kay Laguna PD Col. Harold Depositar, dakong ala-5:30 ng madaling habang nagkakape ang biktima nang biglang pumasok sa gate ng bahay ang mga suspek at walang habas na pinaputukan ang biktima gamit ang maigsing baril.

Narinig ng kinakasama ng biktima na si Dionisia Carida Rodriguez, 63-anyos ang maraming putok ng baril kaya mabilis itong nagtungo sa terrace ng kanilang bahay at nakitang nakahadusay ang duguang katawan ng kalive-in partner, nakita pa umano nito ang mabilis na pagtakas ng dalawang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket, maong na pantalon at kulay silver na helmet (driver ng motor),at ang backride ay nakasuot ng itim na helmet.

Nagsugod pa ang biktima sa Global Hospital of Canlubang subalit idineklarang dead on arrival na ito ni Dra.Carmela Conillas.

Agad namang nagkasa ang Calamba PNP ng Dragnet at followup operation sa ang mga tumakas na salarin patungo ng Asia 1 at nirereview na rin ng mga pulis ang mga CCTV sa mga lugar na dinaanan ng mga suspek sa pagtakas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang sa chairman at magsasagawa ng awtopsiya sa bangkay ng biktima.
BONG RIVERA