TSERMAN NILIKIDA NG TANDEM ASSASSIN

BULACAN- DEAD on the spot ang isang Brgy CHAIRMAN matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng San Miguel sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Acting Provincial Director Col. Charlie Cabradilla, kinilala ang nasawing biktima na si Kapitan Marvin Avendaño nasa hustong gulang residente ng Brgy. San Jose.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nitong Huwebes nang pagbabarilin ang biktima na galing sa birthday ng kaibigan na kung saan ay papauwi na ng bahay lulan ng Nissan Navarra na may plakang ABJ 5205 nang paputukan sa kahabaan ng barangay road ng Brgy Buliran.

Ayon sa mga saksi nakasuot ng kulay itim na jacket at camouflage jacket ang mga suspek.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis sa motibo ng pamamaslang sa biktima. THONY ARCENAL