CAGAYAN – Patay ang isang barangay captain matapos na pagbabarilin ng mag-amang mangingisda matapos na sitahin ang mga ito sa Barangay Cagaddangan, Allacapan.
Kinilala ng PNP Allacapan ang ang biktima na si Mariano Tabanda, 53, residente ng Barangay Bulo, na nagtamo ng anim na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang ikinamatay kaagad nito.
Nakilala naman ang mag-amang suspek na sina Virgilio, Edison at Jun Jun Trinidad, na siyang bumaril ng malapitan sa biktimang kapitan.
Nag-ugat ang pamamaril sa kapitan, ayon sa PNP Allacapan, nang sitahin umano ni Tabanda ang mag-ama na gumagamit ng koryente sa pangingisda .
Nagalit umano ang mag-aama sa kapitan at nang sugurin siya sa isa sa mga suspek na si Edison ay aksidente namang pumutok ang baril at tinamaan sa siko ang isa na nakilalang si Rocky Costales na aawat sana sa gulo.
Dito na umano nabitawan ng kapitan ang baril na naagaw ni Edison at ipinutok sa biktima ng anim na beses na naging sanhi ng agarang kamatayan nito. IRENE GONZALES
Comments are closed.