LAGUNA -TINAMBANGAN ang isang Barangay chairman na mapalad na nakaligtas sa tiyak na kamatayan makaraang pagbabarilin ng hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong suspek sa Brgy. Paciano, lungsod ng Calamba.
Base sa inisyal na ulat ni Regional Public Information Officer (RPIO) PMaj. Mary Ann Crester Torres kay PRO4A Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, nakilala ang biktimang si Arvin Laude Manguiat,44-anyos, Incumbent Brgy. Chairman ng Palo Alto, Calamba, City.
Sinasabing nasa maayos ng kalalagayan sa pagamutan si Manguiat matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang braso at tagiliran mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit ng mga tumakas na suspek.
Sa imbestigasyon, bandang ala- 1:54 Martes ng madaling araw nang maganap ang insidente habang lulan sa kanyang minamanehong kulay pulang Toyota Innova, may plakang DAU-7657 mula sa Modern Village ang biktima.
Nabatid na doon mismo sa lugar hinarangan ng mga suspek ang sasakyan ng biktima bago ito binistay ng bala.
Mabilisang tumakas ang mga suspek makaraan ang pananambang lulan sa isang SUV at motorsiklo patungo ng hindi pa mabatid na lugar habang ang biktima ay isinugod ng mga residente sa ospital.
Kaugnay nito, patuloy na inaalam ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa krimen. DICK GARAY
156745 603221Oh my goodness! a amazing post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing issue with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody acquiring identical rss issue? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 702935