TSINA KAIBIGAN NG PINAS

MASAlamin

ANG BANSANG Tsina ay may higit 2,000 taong kasaysayan, sadyang pambihira at kakaiba. Ang kanilang kasaysayan ay matutunghayan sa kanilang mga istruktura at ang pinaka-engrande sa lahat ay ang Great Wall of China, na isa sa Great Wonders of the World, na maaari pang matunghayan mula sa outer space.

Hindi rin malayo ang kasaysayan ng Filipinas na nag-eedad ng libo-li­bong taon na rin, pruweba rito ang mga natagpuang buto ng sinaunang tao at mga kagamitan na higit sa 2,000 taon ang edad.

Maliwanag din sa mga relic na natatagpuan sa ating bansa ng mga archeologist na sadyang magkadaupang-palad ang kasaysayan ng Tsina at Fi­lipinas, at libo-libong taon pa noon ay may masigla na tayong pakikipagkalakalan sa bansang Tsina.

‘Yun nga lamang, sadyang binura ng mga Kastila sa pamamagitan ng pagsunog sa ating mga alaala ang mga nakaraang libong taon. Nais kasi ng bansang Espanya noon na magsi­mula ang ating kasaysa­yan sa kanilang pagdating sa bansa.

Salamat na lamang sa mga archaeologist na nakadidiskubre ng pira-pirasong mga relic ng ating mayamang nakaraan.

Salamat din sa mga literaturang napreserba sa bansa na mula sa oral tradition ng ating lahi, nalalaman natin na napakayaman ng kulturang Filipino.

Kaya naliligaw ang kulturang Filipino sa makabagong panahon dahil salat ang kanilang kaalaman sa kanilang totoong kasaysayan.

Ang kaalaman ng ating tunay na kasaysayan bago pa man duma­ting ang mga banyagang Kastila ang magsisiguro na tumpak ang landasing tinutungo ng bansa.

Ang bansang Tsina ay maling tingnan bilang kaaway o katunggali, kundi isang kapitbahay, ka-partner sa pagtahak ng bansa tungo sa kinabukasan.

Malaki na ang ipinagbago ng Tsina mula sa pagiging istriktong Maoist. Ngayon ay nae-enjoy na rin nila ang ibayong kalayaan, parang katulad sa Filipinas. Nag-e-evolve ang kanilang pamayanan sa wangis ng pakikipagtulungan, kapayapaan at kalayaan.

Huwag sanang mainip ang Estados Unidos, na batang-batang pamayanan at bansa na nasa 240 taon pa lamang kumpara sa Tsi-na at Fi­lipinas na libo-libong taon nang umiinog ang pagkapamayanan at pagkakomunidad.

Kung tutuusin ay kuya tayo ng US pagdating sa edad ng ating pambansang pamumuhay dahil kailan nga lamang ba naestablisa ang US bilang isang bansa?

Mag-unawaan at magrespetuhan, ‘yan ang susi sa pangdaigdigang kaugmaan at pagkakasundo.

Comments are closed.