TSINO ARESTADO SA P8.9M SMUGGLED CIGARETTES

sigarilyo

GENERAL SANTOS CITY–KALABOSO ang isang Chinese national makaraang makumpiskahan ng P8.9 milyong halaga na smuggled cigarettes sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa bahagi ng Jerusalem St., Oringo Subd., Brgy. City Heights sa lalawigang ito noong Lunes ng gabi.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Zai Tian Shi na sinasabing nag-iingat ng 271 kahon ng Gurang Baru na sigarilyo na walang kaukulang lisensiya mula sa ahensiya ng pamahalaan.

Batay sa ulat, lumilitaw na tumayong poseur buyer ang isang pulis na bibili ng sigarilyong Gudang Baru na nagkakahalaga ng P3,000 at agad na ikinasa ang operasyon na kung saan nakumpiska sa suspek ang 271 kahon ng smuggled cigarettes na may market value na P8.9 milyon.

Bukod sa smuggled cigarettes, narekober sa suspek ang P513,400.00 cash at apat na heat-sealed transparent plastic sachet na shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 (An Act Modernizing the Custom and Tariff Administration), Violation of RA 2893 (Intellectual Property Rights), Section 76 of the Tax Reform Acceleration at Inclusion or TRAIN Law (RA 10963) at Section 11 of RA 9165. MHAR BASCO

Comments are closed.