ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese makaraang makumpiska mula sa kanya ang 11 sachets na aabot sa 10.2 gramo ng hinihinalang shabu sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Wang Kejun na kinasuhan ng paglabag sa republic Act (RA) No.9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Wang ay naaresto sa drug buy-bust operation na isinagawa noong Disyembre 5 ng NBI- National Capial Region katuwang ang NBI-Dangerous Drugs Division, Philippiune Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philipppine National Police (PNP).
Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang NBI-NCR ng impormasyon kaugnay sa isang Alyas Tang na kalaunan ay nakilala bilang si Wang Kejun at kanyang kasabwat na sangkot sa pagbebenta at distribusyon ng shabu.
Matapos ang proper coordination sa PDEA at PNP, isinagawa ang testbuy operation sa Makati City at kinumpirma na ang nasabing substance na binili kay Wang ay shabu.
PAUL ROLDAN