HUWAG basta maniwala sa mga tsismis at misinformation laban sa mga bakuna kontra sa COVID-19, na ipinapakalat ngayon online at maging sa pamamagitan ng pamphlets at flyers.
Ito ang paalala ni Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) Regional Director Eduardo Janairo sa mga residente sa rehiyon, bunsod ng ginagawa ng isang grupo ng mga indibidwal, na natukoy na pawang miyembro ng “Gising Maharlika,” na isang local independent news at media alternative source, na pamimigay ng mga pamphlets sa mga residente ng Liliw, Laguna, kamakailan kung saan nakasaad na ang mga face mask at swab test ay hindi gumagana at walang tao ang maaaring mamatay dahil sa COVID-19.
“I strongly advise residents to stick to the facts, review and understand information based on scientific evidence on the safety and efficacy of Covid vaccines and not to rely on unverified online information or groups of individuals who will try to manipulate you and provide you misleading reports and false claims about the vaccines,” ayon kay Janairo.
“For those who have received such information or has read in their social media platform about this online anti-Covid vaccine movement, I advise you not to share and influence other people so as not to amplify these rumors which are not based on scientific evidence,” aniya pa.
Binigyang-diin pa ni Janairo na, “Safe po at effective ang mga ginagamit ng ating gobyerno na anti-COVID vaccines. Patunay po dito ang patuloy na pagbaba ng mga nadadala sa ospital at namamatay sa mga taong nabakunahan na nito. Ang isang tao na me kumpletong bakuna ay madaling gumaling at hindi nagkakaroon ng malalang sakit o kumplikasyong dulot ng Covid virus.”
Sinabi ni Janairo na ang ganitong mga tsismis at maling impormasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot at nagdadalawang-isip na magpabakuna laban sa COVID-19.
Idinagdag pa ni Janairo na 99.77% ng mga vaccine recipients sa bansa ay wala namang naitalang anumang severe adverse reaction mula sa bakuna at tanging 23% lamang ang nakaranas ng bahagyang side effects, na malaunan ay nawawala rin.
Iniulat din ni Janairo na ang pamahalaan ay nakapag-administer na ng 27,806,881vaccine doses sa bansa hanggang Agosto 26, 2021.
Sa CALABARZON pa lamang aniya, umaabot sa 1,681,899 indibidwal ang fully vaccinated habang kabuuang 2,582,878 naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni Janairo ang mga residente na kaagad na magsumbong sa mga awtoridad at lokal na pamahalaan kung may nalalaman silang mga ganitong uri ng propaganda laban sa bakuna upang kaagad itong maaksiyunan.
“Sa mga residente po na nakakasaksi ng mga ganitong propaganda ay maari po ninyo itong ireport agad sa inyong lokal na pamahalaan upang mabigyan ng agarang aksyon,” ani Janairo.
“Tangkilikin po natin ang mga bakuna laban sa Covid virus, anuman pong tatak, dahil ito po ay ligtas at makapagbibigay ng karagdagang proteksiyon sa atin ngayong panahon ng pandemya,” panawagan pa niya. Ana Rosario Hernandez
487448 7178A persons Are usually Weight loss is surely a practical and flexible an eating strategy method manufactured for people who suffer that want to weight loss and therefore ultimately conserve a significantly more culture. weight loss 477670
249202 162293The the next occasion I read a weblog, I genuinely hope so it doesnt disappoint me around brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing intriguing to state. All I hear can be lots of whining about something which you could fix in case you werent too busy searching for attention. 734809
343617 726694Awesome material you fellas got these. I in fact like the theme for the web site along with how you organized a person who. It is a marvelous job For certain i will come back and take a look at you out sometime. 807335