TINIYAK kahapon ng Manila Water Company, Inc. sa kanilang mga customer na nananatiling ligtas inumin ang tubig bagama’t umabot na sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ang ashfall mula sa pagsabog ng Taal Volcano noong Linggo.
“Manila water assures its customers in the East Zone of Metro Manila and Rizal province that water remains safe to drink, even as ashfall due to the Mt. Taal eruption has been experienced around the metro and in Rizal areas,” pahayag ng water concessionaire sa isang advisory.
“Make sure to properly cover water containers to avoid contamination from ash,” it added.
Ang Manila Water ay nagbibigay serbisyo sa mahigit anim na milyong katao sa 23 lungsod at bayan, kabilang ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, malaking bahagi ng Quezon City, ilang bahagi ng Manila, gayundin ang mga bayan ng Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Rodriguez, San Mateo Tanay Taytay, at Teresa sa lalawigan ng Rizal.
Ang Taal Volcano ay nagbuga ng abo na aabot sa isang kilometro ang taas noong Linggo.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 15,000 katao ang inilikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang Taal Volcano ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 4 sa gitna ng patuloy na ‘period of intense unrest’. Ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na posible ang ‘hazardous explosive eruption’ sa loob ng ilang oras.
Ang ashfall mula sa Taal, ang second-most-active-volcano sa bansa, ay nakaapekto sa mga kalapit na lalawigan at umabot na hanggang sa Quezon City.
Comments are closed.