TUBIG SA 5 OSPITAL NIRARASYON | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
Health Secretary Francisco Duque III-6

TUBIG SA 5 OSPITAL NIRARASYON

PUMAYAG   ang Manila Water na rasyunan ng tubig ang limang pagamutan sa Metro Manila na apektado ng kakula­ngan sa suplay.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon.

Kabilang sa mga  pagamutan na susuplayan ng tubig ng Manila Water ay ang Rizal Medical Center (RMC), National Center for Mental Health, National Kidney Transplant Institute (NKTI), Philippine Children’s Medical Center, at Quirino Memorial Medical Center.

Ayon kay Duque, 50 porsiyento ng kabuuang water supply ng mga naturang pagamutan ang isusuplay ng Manila Water habang hindi pa bumabalik sa normal ang operasyon ng naturang water concessionaire.

Inaasahan naman ni Duque na sisimulan na rin ng Manila Water ang pa­ngakong susuplayan ng tubig ang mga naturang ospital upang hindi maantala ang kanilang mga operasyon.

“Fifty percent of their average daily requirement should be enough to sustain their operations,” ani Duque, sa isang pulong balitaan.

“Manila Water has been tasked that this temporary solution be implemented the soonest possible time. That means today (Huwebes).”

Sinabi naman ng mga kinatawan ng East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, at Philippine Heart Center na sa ngayon ay hindi pa naman apektado ng kakula­ngan sa tubig ang kanilang operasyon.

Una naman nang sinup­layan ng Philippine Red Cross (PRC) ng tubig ang RMC batay sa kahilingan ni Duque.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, nagpadala siya sa RMC ng dalawang 12-liter at apat na 10-liter water tankers, na kayang magkarga ng hanggang 64,000 liters ng tubig kada batch, upang punuan ang 145,000-liter reservoir ng pagamutan.

Ipinaliwanag ng DOH at ng PRC na mahalagang maprayoridad na masuplayan ng tubig ang mga pagamutan upang matiyak na hindi maaantala ang pagbibigay nito ng healthcare services sa mga mamamayan.     ANA ROSARIO HERNANDEZ

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS