TUBIG SA ANGAT DAM BUMABA PA

PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division.

Nitong Martes, iniulat na nabawasan pa ng 27 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 176.97 meters.

Nasa dalawang metro naman ang agwat nito mula sa 178.08 meters na lebel ng dam noong nakaraang Linggo.

Nananatiling kapos rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod sa Angat dam, bahagya rin nabawasan ang lebel ng Tubig sa iba pang dam gaya ng San Roque dam, Magat dam, at Caliraya dam. P ANTOLIN