TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY NA NABABAWASAN

MULING nakitaan ng pagbawas sa antas ng tubig mula sa lebel ng Angat dam nitong magdamag.

Sa update mula sa PAGASA Hydrome­teorology Division, kahapon ng alas-8 ng umaga ay nabawasan pa ng 34 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 175.07meters.

Limang metrong kapos ito mula sa 180 meters na minimum operating level ng dam.

Bukod sa Angat dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao, Binga dam, Magat at Caliraya dam ngayong umaga.

Una nang sinabi ng PAGASA Hydromet na inaasahan nitong magsisimula ngayong buwan ang malalakas na pag-ulan na posibleng magpataas sa lebel ng tubig ng Angat dam.
P ANTOLIN